December 22, 2007

ang buhay sa abroad..

  • Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa Japan ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ng gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo.
    Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga hapon. Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.

  • Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa Japan maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa Japan.

  • Akala nila masarap ang buhay dito sa Japan . Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila maghanap buhay pangbayad ng bills nila.

  • Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, DisneySea, Sea Paradise, Tokyo Tower, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng Y9000+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 6 hours na sweldo (sa mga regular minimum pay) mong pinangbayad sa ticket.

  • Akala nila malaki na ang kinikita mo kase YEN na sweldo mo. Ang totoo, malaki pag pinalit mo ng peso, pero YEN din ang gastos mo sa Japan. Ibig sabihin ang yen mong kinita sa presyong yen mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas Y250 sa Japan , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa Japan Y320. Ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa Japan Y70,000++.

  • Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang ang insurance pa ng sasakyan, doble sa presyong binayad mo. Ibig sabihin, alipin ka ng kotse mo.

  • Madaming naghahangad na makarating sa Japan . Lalo na mga care-givers, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng Japan. Hindi ibig sabihin yen na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

  • Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.